^

5 key players wala na sa Gazz Angels

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na masisilayan sa aksyon ang limang key pla­yers ng PetroGazz sa Premier Volleyball League (PVL) na inaasahang papalo sa unang bahagi ng 2021.

Namaalam na ang Gazz Angels kina middle blockers Jeanette Panaga at Cherry Nunag, outside hitters Jovielyn Prado at Jonah Sabete, at opposite spiker Maricar Nepomuceno-Baloaloa.

Malaki ang naitulong ng limang players sa nakalipas na taon ng Gazz Angels.

Nasungkit ni Panaga ang Second Best Middle Blocker trophy noong 2019 PVL Open Conference sa­man­talang Second Best Middle Blocker din si Nunag noon namang 2019 Reinforced Conference.

Itinanghal namang First Best Outside Hitter si Prado noong 2019 Open Confe­rence.

Kasama ang limang players ng Gazz Angels nang magkampeon ito noong 2019 Reinforced Conference kasama sina Cuban import Wilma Salas at American wing spiker Janisa Johnson.

Nasa koponan din ang lima na nakapilak naman sa 2019 Open Conference.

Inaasahang bubuo ng mas solidong lineup ang Gazz Angels sa pangu­nguna ng bagong recruits na sina three-time NCAA MVP Grethcel Soltones, dating Far Eastern University opposite hitter Jerrili Malabanan at dating Foton Tornadoes playmaker Ivy Perez.

PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with