Tolentino uli sa POC
Abraham ‘Bambol’ Tolentino
STAR/File

Tolentino uli sa POC

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa nahakot na 30 boto ay tinalo ni Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng cycling si Atty. Clint Aranas ng archery para sa presidential seat ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ito ang magiging full term ni Tolentino matapos makopo ang POC top post laban kay Philip Ella Juico ng athletics, 26-18, sa isang snap election noong Hulyo ng 2019 dahil sa biglaang pagbibitiw ni Ricky Vargas ng boxing.

“Of course, it’s an honor to serve the Filipino athlete and the country. This is a full four year term,” wika ni Toletino. “Definitely, there will be a lot of surprises.”

Kaagad binati ni Aranas, nakakolekta ng 22 boto mula sa kabuuang 53 botante, ang 56-anyos na si Tolentino bago pa man ang opisyal na proklamasyon.

Nanalo rin para sa kanilang mga posisyon sina Al Panlilio ng basketball laban kay Juico, 30-23, para sa first vice-president seat  at si Ormoc City Ma­yor Richard Gomez (2nd vice president) ng fencing at modern pentathlon kontra kay Ada Milby ng rugby, 31-22, para sa 2nd vice president spot.

Sina Panlilio at Gomez ay nasa tiket ni Tolentino. Para sa POC chairmanship ay natalo ang katiket ni Tolentino na si Tom Carrasco ng triathlon laban kay Steve Hontiveros, 28-25, ng handball.

Ang iba pang nagwagi sa grupo ni Tolentino ay sina Cynthia Carrion ng gymnastics kontra kay Julian Camacho ng wushu, 27-22, para sa treasurer at si Chito Loyzaga ng baseball laban kay Monico Puentevella ng weightlifting, 27-24, para sa auditor.

Sina Pearl Managuelod ng muay thai, Dave Carter ng judo, Dr. Raul Canlas ng surfing at Charlie Ho ng netball ang bubuo ng four-man POC Executive Board.

BAMBOL TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with