Bakbakang Tolentino-Aranas matindi sa POC presidency

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinumpara ni Philippine Olympic Committee (POC) incumbent president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng cycling ang kanyang laban kay Atty. Clint Aranas ng archery bilang isang basketball game.

“Parang ano lang ito old school basketball. Tapos na ‘yung first half, nalampasan na natin ‘yung disqualification. So now we’re waiting for the second half which is the election proper,” wika ni Tolentino kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

Hangad ni Tolentino ang kanyang ikalawang sunod na termino sa pagsagupa kay Aranas para sa POC presidency sa eleksyon sa Biyernes.

Kamakailan ay ibinasura ng POC election committee ang disqualification case na isinampa ni Aranas laban kina Tolentino, Tom Carrasco ng triathlon, Cynthia Carrion-Norton ng gymnastics, Dave Carter ng judo at Dr. Jose Raul Canlas ng surfing dahil sa iba’t ibang isyu.

Sinabi ni Tolentino na nakalatag na ang lahat para sa POC election na idaraos sa ganap na ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon sa East Ocean Restaurant sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

Maaari ring matunghayan ang POC election via livestreaming.

Ilan sa mga gagamit ng ‘vote via sealed ballot’ sina 2016 Rio Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz, Teresita Uy ng canoe-kayak, Mariano Araneta ng football, Benito Lim ng skating at Atty. Paulo Claudio ng sambo.

POC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with