^

PSN Palaro

Tiwalang ibinigay ng IATF hindi sisirain ng PBA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Tiwalang ibinigay ng IATF hindi sisirain ng PBA
Tiniyak ni PBA commissioner Willie Marcial na ipatutupad ang mahigpit na patakaran sa buong panahon na nasa loob ang players, coaches, officials at team staff sa bubble.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi sisirain ng Philippine Basketball Association (PBA) ang tiwalang ibinigay ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang matuloy ang pagbabalik-aksyon ng PBA Season 45 Philippine Cup sa susunod na buwan sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga.

Tiniyak ni PBA commissioner Willie Marcial na ipatutupad ang mahigpit na patakaran sa buong panahon na nasa loob ang players, coaches, officials at team staff sa bubble.

Sa katunayan, mas matindi ang ilalatag na panuntunan ng PBA kumpara sa nakasaad sa Joint Admi­nistrative Order na binuo ng GAB, DOH at PSC.

Isa na rito ang mas madalas na swab testing para masiguro na walang makakalusot sa health protocols na ipatutupad ng management.

Ayon kay National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, dalawang beses sasailalim sa testing ang lahat bago pumasok sa bubble.

Habang nasa bubble, magkakaroon din ng swab testing base sa schedule ng bawat koponan.

Maliban dito, mayroon ding contact tracing procedure sa pag-monitor ng mga galaw ng bawat isa.

Isa pang ipatutupad ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng pagkaka­taong nasa loob ng bubble ang mga players, coaches, officials at team staff.

Maging sa actual game, kailangang naka-face mask ang mga pla­yers sa bench.

Maaari lamang itong tanggalin sa oras na maglalaro na ang isang player.

Orihinal na target ng PBA na simulan ang restart sa Oktubre 9 subalit inaasahang mauurong ito sa Oktubre 11.

vuukle comment

IATF

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with