Casimero negatibo sa swab test

Negatibo si Casimero sa isinagawang swab testing kaya’t tuloy na tuloy na ang pagbabalik-aksyon nito matapos ang ilang buwang pagkakabakante.
STAR/File

Laban tuloy na tuloy na!

MANILA, Philippines — Kasado na ang lahat para sa pagdepensa ni World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero ng kanyang korona laban kay Duke Micah sa Linggo sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Negatibo si Casimero sa isinagawang swab testing kaya’t tuloy na tuloy na ang pagbabalik-aksyon nito matapos ang ilang buwang pagkakabakante.

Sumailalim din sa swab testing ang miyembro ng team Casimero gaya nina Top Rank Promotions chief Sean Gibbons at trainer Clarence Bones Adams na kasama nitong lumapag sa Connecticut.

Sina Adams, Steohen Lunas at Mike Vaz ang makakasama ni Casimero sa ring side sa actual fight dahil tanging tatlong miyembro lamang ng coaching staff ang pinahihintulutan ng Nevada State Athletic Commission.

Nasa tamang timbang na rin si Casimero ilang oras na lamang ang nalalabi bago ang official weight in nga­yong araw na idaraos sa Mohegan Sun Arena.

Mataas ang moral ni Casimero.

Knockout ang puntiryang maitala ni Casimero kaya’t inaasahang raratsada agad ito sa simula pa lamang ng laban.

Kasado na ang game plan nito. Napag-aralan na rin ni Casimero ang estilo ng African fighter.

Show comments