Diaz tuluy-tuloy ang ensayo
Hidilyn Diaz
Facebook/International Weightlifting Federation
Diaz tuluy-tuloy ang ensayo
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

Para sa target na olympic berth

MANILA, Philippines — Bagama’t ilang buwan nang stranded sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nananatili pa rin ang hangarin ni national weightlifter Hidilyn Diaz na mabuhat ang tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

“Continue pa rin ‘yung training, nandoon pa rin iyong desire kong i-represent ang country natin sa Olympics, nandoon pa rin iyong motivation ko,” wika ni Diaz sa panayam ng CNN Philippines.

“Iyong pag-uwi saka na lang muna. Importante kasi diyan ‘yung safety talaga,” dagdag pa ng 2016 Olympics silver medalist.

Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay iniurong ang Tok­yo Olympics sa susunod na taon na nakaapekto sa pagdaraos ng mga quali­fying tournaments.

Nakaupo si Diaz sa No. 5 sa world rankings sa women’s 55kg category at isang Olympic qualifying tournament na lamang ang kailangan niyang lahukan para opisyal na makuha ang Olympics berth.

Target ni Diaz, ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist, ang kanyang ikaapat na sunod na Olympics matapos noong 2008 sa Beijing, China, 2012 sa London at 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan niya naibulsa ang silver medal.

Pitong buwan nang stran­ded ang tubong Zamboanga City sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa COVID-19 pandemic.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with