Sa pagka-delay ng allowance ng atleta
MANILA, Philippines — Ang pagbabago sa kanilang payroll administration system ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkaantala sa paglalabas sa monthly allowances ng mga national ahletes at coaches.
Ito ang paliwanag kahapon ng Philippine Sports Commission (PSC) Board hinggil sa kahilingan ni Sen. Bong Go na irelis na ang suweldo ng mga national athletes at coaches.
“The delay in the release of allowances was caused by the overhaul of our payroll administration system,” wika ng PSC Board.
“It affected all employees and members of the national team and this was painful but necessary action to ensure that no underhanded schemes are ever done in this service aspect again,” dagdag pa ng PSC Board.
Nakaapekto sa operasyon ng sports agency ang payroll scam na kinasangkutan ng dating empleyadong si Paul Michael Ignacio.
Nauna na ring tinapyasan ng PSC ng 50 porsiyento ang monthly allowances ng mga national athletes at coaches bunga ng paggamit ng gobyerno ng pondo para sa pagharap sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Siniguro ng komisyon na mairerelis ang monthly allowances ng mga national athletes at coaches ngayong linggo.