Kakaibang pa-tryout ng Perpetual Junior Altas Spikers

MANILA, Philippines — Naglunsad ang ‘five-peat’ National Collegiate Athletics Association (NCAA) champions Perpetual Junior Altas volleyball team nina coaches Sandy Rieta at Jason Sapin ng kakaibang tryouts para sa Season 96 (2020-2021) sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ipapadala ng mga student-athletes na gustong mag-tryout sa Junior Altas spikers ang kanilang video na nagpapakita ng volleyball skills nila sa Facebook account ng eskuwelahan.

Ito ay isa-isang susuriin nina Rieta at Sapin.

Ang nasabing hakbang ng Perpetual ay bilang pagsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines na nagbabawal sa face-to-face training.

Maaaring isumite ng mga student-athletes ang kanilang mga personal information kagaya ng full name, birthdate, height, position at grade level.

Show comments