Animam, Fajardo committed sa Gilas Women
Jack Animam
Animam, Fajardo committed sa Gilas Women
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siniguro nina Jack Animam at Ella Fajardo na makalalaro pa rin ang mga ito para sa Gilas Women sa international tournaments sa kabila ng kanilang pagsabak sa ibang bansa.

Ito ang tiniyak ni Gilas Women head coach Patrick Aquino na masaya sa magiging kapalaran ng kanyang dalawang bataan.

Nakatakdang maglaro ang dating UAAP MVP na si Animam para sa Shih Hsin University sa University Basketball Association sa Taiwan.

Bahagi rin si Animam ng Gilas Women 3x3 at ng Gilas Women 5x5 na nakasungkit ng gintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games sa Maynila noong Disyembre.

“We had that understanding with the Taiwanese coach that she’ll be allowed when the national team is in play. So, that will be good for us,” ani Aquino.

Sa kabilang banda, sasalang sa mas mabigat na bakbakan si Fajardo dahil maglalaro ito para sa Fairleigh Dickinson University sa prestihiyosong NCAA Division I sa Amerika.

Ikinuwento ni Fajardo kay Aquino na magkakaroon ito sa Fairleigh Dickinson ng dalawang teammates na bahagi ng Spain national team.

Handa rin ang Fairleigh Dickinson na ipahiram si Fajardo sakaling kaila­nganin ito sa Gilas Women.

Naging bahagi na si Fajardo ng Gilas Women na naglaro sa 2019 FIBA 3X3 Under-18 World Cup sa Ulaanbaatar, Mongolia at sa FIBA 3×3 Under-18 Asia Cup sa Cyberjaya, Malaysia.

GILAS WOMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with