^

PSN Palaro

Blackwater pinagpapaliwanag ng PBA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blackwater pinagpapaliwanag ng PBA
Blackwater
PBA Images

Naunang mag-ensayo

MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng Philippine Basketball Association (PBA) ang management ng Blackwater matapos matuklasang sumailalim na ito sa ensayo kahit wala pang go signal ng pamunuan ng liga.

Noong nakaraang linggo, pinahintulutan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang PBA teams na makapag-ensayo.

Subalit nilinaw ng PBA na wala pang pormal na petsa kung kailan maaa-ring simulan ang ensayo.

Target ng liga na masimulan ito sa Hulyo 22.

Bago simulan ang ensayo, may mga requirements na inaprubahan ng IATF na kailangang sundin gaya ng swab testing sa lahat ng manlalaro, coaches at officials na magiging bahagi ng training.

Nadiskubre ang gina­wang ensayo ng Elite nang mismong si team owner Dioceldo Sy ang nagsiwalat sa isang sports TV program na Sports Page sa TV5 at One Sports na nagkaroon na ng team work out ang kanyang tropa noong Sabado.

Kuwento pa ni Sy, sumailalim sa isang oras na ensayo ang mga manla-laro gaya ng shoot around at conditioning.

Sinunod naman ng Blackwater ang panuntunang ibinigay ng PBA at IATF ngunit posibleng isang paglabag ito dahil wala pang go signal na ibinibigay ang liga para pormal na itong simulan.

Pinadalhan na ng sulat ng PBA ang pamunuan ng Blackwater upang bigyan ito ng pagkakataon na magpaliwanag.

Nakasaad sa sulat na base sa isinagawang meeting ng mga coaches at team managers, at ng Board of Governors, malinaw na nakasaad na hindi pa maaaring simulan ang ensayo habang wala pang pormal na abiso mula sa pamunuan ng PBA.

“Physical conditioning activities will not yet start without formal notice from the Office of the Commissioner. Workout sessions will not be allowed to start without the players undergoing the required swab tests,” ayon sa PBA.

Wala pang pormal na sagot ang Blackwater ma­nagement.

Ipadadala ng Elite ang sagot nito sa PBA na siyang magbibigay ng desisyon kaya’t nagpasya ang Blackwater na manatili munang tahimik sa ngayon.

Nauna nang inihayag ng PBA na papatawan ng parusa sinuman ang lalabag sa protocols na inilatag ng liga na aprubado ng IATF.

Una nang pinatawan ng parusa sina Japeth Aguilar ng Ginebra at Adrian Wong ng Rain or Shine matapos masilayan sa isang gym sa San Juan.

vuukle comment

BLACKWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with