Westbrook positibo sa COVID-19
Russell Westbrook
STAR/File
Westbrook positibo sa COVID-19
(Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2020 - 12:00am

HOUSTON -- Isama na ang pangalan ni Rockets star guard Russell Westbrook sa mga high-profile players sa NBA na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ibinunyag ito mis­mo ni Westbrook, hindi sumabay sa Houston team na nagtungo sa Orlando, Florida para sa restart season, sa kanyang social media account kahapon.

“I’m currently feeling well, quarantined, and looking forward to rejoining my teammates when I am cleared,” ani Westbrook. “Please take this virus seriously. Be safe. Mask up! #whynot.”

Bukod kay Westbrook, hindi rin sumabay si Rockets superstar guard, James Harden sa pagbiyahe ng koponan sa Walt Disney World campus.

Samantala, inihayag ng NBA na dalawa pang player ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa liga, umabot na sa 19 players ang nagpositibo sa coronavirus sa isinagawa nilang in-market testing simula noong Hulyo 1.

Nananatili ang nasabing mga players sa kanilang home markets hanggang payagan silang makaalis ng home isolation at makasama sa NBA Campus sa Orlando.

Sisimulan ang restart season sa Hulyo 31 tampok ang 22 koponan.

RUSSELL WESTBROOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with