Training para sa Olympics prayoridad ng PSC
MANILA, Philippines — Prayoridad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga atletang naghahanda para sa Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.
Kaya naman ipinagdiinan ito ng PSC sa ginanap na PSC-GAB-DOH Stakeholders’ Virtual Meeting na pinamunuan ng Department of Health (DOH).
Inilatag nina PSC Officer-in-Charge Ramon Fernandez at National Training Director Marc Velasco ang mga kahilingan ng ahensiya sa Joint Administrative Order Guidelines on the Conduct of Health-Enhancing Physical Activities and Sports para sa COVID-19 Pandemic.
“We are working towards the approval of the training of our national athletes who have earned their slots in the Games. We are hoping it gets the go-signal from the Inter-Agency Task Force (IATF) first,” ani Fernandez.
Nangunguna sa listahan ng PSC ang mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics gaya nina Eumir Felix Marcial at Irish Magno ng boxing, Carlos Edriel Yulo ng gymnastics at Ernest John Obiena ng athletics.
Kabilang din ang mga atletang sasalang sa kani-kanilang Olympic qualifying events.
Kaya naman nais ng PSC na mabigyan ng tsansang makapag-ensayo ang mga ito.
- Latest