^

PSN Palaro

2 key players natuhog ng La Salle

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang tigil ang De La Salle University sa pagpapalakas matapos makuha ang dalawang key players para sa mga susunod na edisyon ng UAAP men’s basketball.

Pasok na sa Green Archers basketball program sina CJ Austria na galing ng University of the East at Emman Galman na mula naman sa University of Perpetual Help System Dalta.

Pumutok ang balita matapos kumalat sa social media ang larawan na may suot na La Salle t-shirt ang dalawang mahusay na manlalaro na galing sa dalawang magkaibang liga.

Naglaro si Austria sa UE noong UAAP Season 82.

Impresibo ang ipinamalas ni Austria matapos magtala ng matikas na 17.62 points, 8.77 rebounds, 2.0 assists, 2.0 steals at 1.23 blocks kada laro.

Maningning din ang rekord ni Galman sa NCAA Season 95.

Kumana ang bagitong player ng 17.7 points, 6.7 rebounds, 2.6 assists at 1.2 steals kada laro sa huling season ng liga.

Makakapaglaro na sina Austria at Galman suot ang Green Archers jersey sa UAAP Season 84.

Magiging malaking tulong ang dalawang manlalaro upang punan ang mababakanteng puwesto ng mga graduating players.

Desidido ang La aaSalle na maibalik sa kanilang teritoryo ang korona.

Noong Enero, muling kinuha ng unibersidad si Derrick Pumaren bilang head coach ng tropa.

Binigyan ni Pumaren ng korona ang Green Archers noong 1989 at 1990.

Target ni Pumaren na muling paangatin ang La Salle matapos mabigong pumasok sa Final Four noong Season 82.

Nagtapos sa ikalimang puwesto ang Green Archers bitbit ang ang 7-7 rekord.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with