Curry, Thompson nakiisa sa protest march para kay Floyd
OAKLAND - Ilan lamang sina Golden State Warriors stars Stephen Curry at Klay Thompson sa mga miyembro ng organisasyon na nagmartsa sa Walking in Unity protest event para kay George Floyd kahapon dito.
Si Warriors swingman Juan Toscano-Anderson ang nag-organisa ng nasabing rally na umikot sa Lake Merritt, ang lugar kung saan ginawa ang championship parade at rallies ng tropa sa mga nakalipas na taon.
“No matter the color of your skin, how much money you got, your education, it don’t matter. We’re all human beings,” wika ni Toscano-Anderson sa pagsisimula ng event sa isang video na nakaposte sa Warriors’ Twitter account.
Sumama rin sa naturang peaceful protest sina Warriors guard Damion Lee at forward Kevon Looney.
Sa kanya namang Instagram account ay ipinoste ni Thompson ang isang story mula sa martsa kasama ang shout-out kay Toscano-Anderson.
“@juanonjuan10 natural born leader!” wika ni Thompson.
Sa isa pang Twitter account post ay ibinahagi ng Warriors ang isang video ng pagsama ni Curry sa pagsigaw bilang parangal kay Floyd.
Si Floyd, isang black man, ay namatay sa kustodiya ng Minneapolis police noong nakaraang linggo.
- Latest