Floyd Mayweather Jr.
STAR/File
Mayweather tutulong sa naulila ni George
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kilalang trashtalker si dating world champion Floyd Mayweather Jr.

Maangas, mayabang. Ilan lamang ito sa mga kinaiinisan ng boxing fans sa undefeated American fighter.

Ngunit sa labas ng ring, may puso si Mayweather.

Makailang beses na itong nasilayang gumagawa ng charity works para sa mga nangangailangan.

Sa katunayan, sasagutin nito ang funeral services ni African-American George Floyd na napatay ni police officer Derek Chauvin kamakailan sa Minneapolis.

Kinasuhan na si Chauvin ng third-degree murder at second-degree manslaughter.

Inililihim ni Mayweather ang pagtulong nito kay Floyd.

Subalit isiniwalat ito ni Mayweather Promotions CEO Leonard Ellerbe kahapon sa ESPN.

“He’ll probably get mad at me for saying that, but yes, (Mayweather) is definitely paying for the funeral. Floyd has done these kind of things over the last 20 years,” ani Ellerbe.

Magugunitang tinu­lungan din ni Maywea­ther si dating boxer Ge­naro Hernandez noong 2011 nang mamatay ito sa sakit na cancer.

Si Hernandez ang nakalaban ni May­weather noong 1998 nang masungkit ng American fighter ang kanyang kauna-unahang world title.

FLOYD MAYWEATHER JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with