Al Panlilio
STAR/ File
SBP tuloy lang sa paghahanda para sa 2023 FIBA World Cup hosting
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, tuluy-tuloy lang ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa paghahanda nito sa prestihiyosong 2023 FIBA World Cup.

Regular ang pakikipagpulong ng SBP sa mga opis­yales ng FIBA upang magbigay ng update sa ginagawang preparasyon ng bansa para sa world meet.

Maliban sa FIBA, madalas din ang komunikasyon ng SBP sa mga 2023 FIBA World Cup organizers mula sa Japan at Indonesia na magiging katuwang ng Pilipinas sa pagtataguyod ng naturang cagefest.

Hindi man personal na nakakapagpulong, gumagamit ang SBP at FIBA ng teknolohiya para mai­sagawa ang meeting gaya ng video conferencing.

Ilan sa mga tinututukan ng SBP ang pakikipagnegosasyon sa mga playing venues, training venues, hotels at event suppliers na magiging katuwang ng asosasyon sa FIBA World Cup hosting.

“Video conferences are held between SBP and FIBA/FIBA Asia/stakeholders such as Playing Venues/Hotels/Event Suppliers on various programs and projects, including but not limited to preparations for the 2023 FIBA Basketball World Cup,” ayon sa SBP.

Hindi lamang nakatuon ang SBP sa FIBA World Cup hosting dahil binibigyan din ng organisasyon ng update ang world governing body sa kasalukuyang estado ng bansa.

Dahil sa COVID-19, kanselado ang mga sporting events sa bansa kabilang na ang mga basketball activities gaya ng PBA, PBA D-League, UAAP at NCAA.

Hindi rin pinahihintulutan ang basketbal events, seminars, cli­nics at iba pang mass gatherings. Isinasagawa na lang muna ang seminars via video conferencing para makasunod sa ipinatutupad na social distancing.

Nais lamang ng SBP na pa­ngalagaan ang mga personnel na kumikilos sa mga basketball events at bilang tugon na rin sa mga patakaran ng gobyerno.

“The work for the benefit of Philippine basketball is non-stop, even du­ring these challenging times brought about by COVID-19,” ayon pa sa SBP.

Tiniyak ng SBP na magbabalik ang sigla sa mundo ng basketball sa oras na matapos na ang krisis na dulot ng CO­VID-19.

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with