Denden Lazaro.
STAR/ File
Lazaro kinuha ng Flying Titans
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik sa Premier Volleyball League (PVL) si seasoned libero Denden Lazaro matapos pumirma sa Choco Mucho para sa susunod na edisyon ng liga.

Umaasa ang Flying Titans na malaki ang maitutulong ni Lazaro sa floor defense dahil malalim na rin ang naging karanasan nito.

Dating miyembro ng A­teneo de Manila University Lady Eagles si Lazaro kung saan itinanghal itong Best Digger at Best Recei­ver noong UAAP Season 76  at Best Receiver noong UAAP Season 77.

Naging bahagi na rin si Lazaro ng national team na sumabak sa ilang international tournaments.

Noong 2015, naglaro ito para sa PLDT Home Ultera na nagkampeon sa Shakey’s V-League Season 12 Open Confe­rence habang lumipat ito noong 2016 sa BaliPure Purest Water Defenders na nakatanso sa Shakey’s V-League Season 13 Open Conference.

Tumawid ng bakod si Lazaro nang maging miyembro ito ng United Volleyball Club sa Philippine Superliga noong 2017 hanggang 2018.

Huling nasilayan sa aksyon si Lazaro kasama ang Petron Blaze Spikers sa buong season ng PSL noong 2019 kung saan nagkampeon ang kanilang tropa sa Grand Prix edition.

Sabik na si Lazaro na sumabak sa PVL kasama ang kanyang mga da­ting teammates sa Lady Eagles.

Makakatuwang nito sina Kat Tolentino, Maddie Madayag at Bea De Leon.

Ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Lazaro sa team si Choco Mucho head coach Oliver Almadro.

PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with