LA Tenorio
STAR/ File
Tenorio tutulungan ang mga PBA game-day personnel
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Hindi lamang ang kanyang mga teammates sa Barangay Ginebra ang binibigyan ng assists ni point guard LA Tenorio.

Sa isang Facebook live auction ng mga basketball shoes at memorabilia ay nakaipon si Tenorio ng P86,200 na kanyang ibibigay para sa mga PBA game-day personnel na naapektuhan ng quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

“Ang dami talagang nangangailangan ng tulong sa mga panahong ito,” sabi ng 35-anyos na tubong Nasugbu, Batangas. “May kakayahan naman tayong tumulong, so ginagawa natin ‘yung makakaya natin.”

Ang mga sapatos na nabili ay ang LeBron AGIMAT (P14,000), Jordan 4 Flyknit Volt (P14,000), LeBron 15 Low (P10,100), Kobe AD Multicolor (P8,300), Jordan Why Not Zer0.1 (P8,200), Jordan 32 Low (P8,000), Jordan 11 low Snakeskin (P7,500) at Jordan 5 Grapes (P7,100).

Magdo-donate rin ang ‘Mr. Ironman’ ng PBA ng food packs sa mga guards at utility personnel ng Upper Deck kung saan nag-eensayo ang Ginebra, habang ilang sakong bigas ang kanyang ibibigay sa Pasig City Vice Mayor Office.

LA TENORIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with