^

PSN Palaro

Kai Sotto humingi ng suporta, rerekta sa NBA G League

Philstar.com
Kai Sotto humingi ng suporta, rerekta sa NBA G League
Kai Sotto
Released/Fiba.com

MANILA, Philippines — Hindi na muna magkokolehiyo ang Filipino basketball player na si Kai Sotto para tulan nang makapasok sa NBA G League.

Ang balita ay kinumpirma ng 7'2" at 18-anyos na si Sotto, dating miyembro ng Ateneo Blue Eaglets, sa kanyang Twitter account, Huwebes.

Ginawa ni Sotto ang desisyon matapos magtungo sa Estados Unidos para pahusayin ang kanyang katawan at laro para makakuha ng dagdag kumpiyansa laban sa mga banyagang manlalaro.

Aniya, panahon na raw para dalhin ang karera sa susunod na yugto.

"Now I have to take the next big step towards my NBA dream and I am very proud and excited to announce that I will be joining the NBA G League select team," sabi niya sa isang pahayag.

"I will be playing with some of the very best and I am committed to work on developing my game on a much bigger stage."

Dadaan siya sa isang taong coaching at sa iba pang mga koponan ng NBA G League, kabilang ang mga international teams at NBA Academy Teams mula sa iba't ibang panig ng daigdig.

Makakasama rin niya sa programa ang Filipino-American na si Jalen Green, na anak ng isang Pinay.

Plano ni Sotto na maging unang full-blooded Filipino sa NBA.

"My wish is that you continue to support me, pray for me and hope for my success," sabi pa niya.

Nilista ng US website na Ballislife.com si Sotto sa kanilang All-American Selection para sa taong 2020.

Naging bahagi rin noon ng koponang Batang Gilas si Sotto, at napadpad na rin noon sa The Skill Factory.

Anak si Kai ng dating PBA player na si Ervin Sotto. — James Relativo at may mga ulat mula kay Luisa Morales

vuukle comment

KAI SOTTO

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with