Phoenix team nagbigay ng relief goods, PPEs sa San Juan

Calvin Abueva
PBA Images

MANILA, Philippines — Matapos ang San Miguel Corporation at TNT Katropa ay ang Phoenix Super LPG team naman ang nagbigay ng tulong para sa paglaban sa coronavirus pandemic.

Kahapon ay namahagi ang Fuel Masters ng mga relief goods at personal protective equipment (PPEs) sa San Juan City.

Personal na ibinigay nina forward Calvin Abueva, team governor Atty. Raymond Zorrilla at team ma-nager Paolo Bugia ang mga relief goods kay San Juan City Mayor Francis Zamora.

Ang 6-foot-5 na si Zamora, dating team captain ng La Salle Green Archers na naghari sa UAAP noong 1998 at 1999, ang No. 35 overall pick ng Sta. Lucia noong 2001 PBA Rookie Draft.

Hindi nagamit ng Realtors ang 42-anyos na si Zamora sa PBA.

Binili ng mga Phoenix players ang mga relief goods at PPEs mula sa kanilang mga suweldo.

Show comments