LeBron ayaw sa closed-door games
(Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

CLEVELAND -- Nagsalita sa unang pagkakataon matapos ang NBA shotdown dahil sa COVID-19 pandemic, sinabi ni Los Angeles La­kers star LeBron James na nahaharap sa malaking hamon ang liga.

Hindi sumang-ayon si James sa naunang pagkukunsidera ng NBA na gawin ang mga laro nang walang mga fans.

“What is the word ‘sport’ without ‘fan’?” tanong ni James sa kanyang pagi­ging panauhin sa Road Trippin’ Podcast na pinamahalaan ng kanyang mga dating Cavaliers teammates na sina Richard Jefferson at Channing Frye at current Lakers studio host Allie Clifton. “There’s no excitement. There’s no c­rying. There’s no joy. There’s no back-and-forth.

Inilabas ang podcast, inihandog ng multimedia platform na Uninterrupted ni James, sa araw kung saan haharapin sana ng Lakers ang Cavaliers.

Umabot na sa 14 NBA players, kasama rito ang dalawang manlalaro ng Lakers, ang nagpositibo sa COVID-19.

Sinuspindi ng NBA ang kanilang mga laro matapos magpositibo sa COVID-19 si Utah Jazz center Rudy Gobert kasunod ang kanyang teammate na si Do­novan Mitchell at Christian Wood ng Detroit Pistons.

Kamakalawa ay sinabi ni Wood na nakarekober na siya sa nasabing virus.

Sa inaasahang pagba­balik ng liga sa Mayo ay may mga bagay na gagawin si James kabilang dito ang pag-iwas na kamayan ang kanyang mga fans. Regular naman ang pag-uusap ng mga Lakers players.

“We got a text chain between all the guys on the team. And we just stay in touch every day, pretty much,” ani James.

LEBRON JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with