Walang puwang ang pagiging kampante para sa Pinoy jins sa kabila ng coronavirus diseases (Covid-19) na kinakaharap ng bansa dahil tuloy lang ang pagsasanay ng tropa sa kani-kanilang tahanan.
STAR/File
Pinoy jins naghahanda para sa Olympic qualifiers
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang ensayo ng national taekwondo team bilang paghahanda sa 2020 Asian Olympic Qualifying Tournament (OQT) na sisipa sa Amman, Jordan.

Walang puwang ang pagiging kampante para sa Pinoy jins sa kabila ng coronavirus diseases (Covid-19) na kinakaharap ng bansa dahil tuloy lang ang pagsasanay ng tropa sa kani-kanilang tahanan.

Pangungunahan nina Southeast Asian Games gold medallists Samuel Thomas Morrison, Kurt Barbosa at Pauline Lopez ang kampanya ng Pilipinas sa naturang Asian meet na magsisilbing tulay para makapasok sa Tokyo Games.

Naghahanda rin si three-time SEA Games champion Kirstie Alora na naghahangad na muling makabalik sa Olympics matapos masilayan sa aksiyon sa 2016 Rio Olympics sa Brazil gayundin si Arven Alcantara na naka-pilak naman sa 2019 Manila SEA Games.

Ayon kay Philippine Taekwondo Association (PTA) chairman for regional affairs Stephen Fernandez, wala pang pinal na listahan ang asosasyon para sa Asian qualifying ngunit ang limang nabanggit ang nangungunang atleta sa kasalukuyan.

Sasalang si Morrison sa men’s 80 kg. division habang sisipa si Barbosa sa men’s 54 kg. class. Sa kabilang banda, hahataw si Lopez sa women’s 57 kg. category, masisilayan si Alora sa women’s +73 kg. at aariba si Alcantara sa men’s 68 kg.

Apat na atleta lamang ang maaaring ipadala sa Asian meet – dalawa sa men’s division at dalawa sa women’s division.

Kabilang din sa mga kandidato sina SEA Games medallists Dave Cea (men’s 74 kg.), Kristopher Uy (men’s +87 kg.), Rheza Aragon (women’s 49 kg.), Kurt Pajuelas (men’s 63 kg.), Dex Ian Chavez (men’s 58 kg.), Jessica Canabal (women’s 53 kg.) at Veronica Graces (wo­men’s 46 kg.).

2020 ASIAN OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with