Durant, 3 pa positibo sa COVID-19

Kevin Durant
Jack Dempsey/File

NEW YORK - Matapos sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz at Christian Wood ng Detroit Pistons ay apat pang Brooklyn Nets pla­yers, kabilang si Kevin Durant, ang nagpositibo sa pagkakaroon ng coronavirus disease (COVID-19).

Bagama’t hindi pina­ngalanan ng Nets ang nasabing apat na players ay kinumpirma naman ni Durant na isa siya sa mga tinamaan ng COVID-19.

“Everyone be careful, take care of yourself and quarantine. We’re going to get through this,” mensahe ni Durant.

Inihayag ng Nets na isa nilang player ay nagpapakita ng sintomas ng pagkakaroon ng naturang virus habang ang tatlo ay mga asymptomatic.

Ang nasabing apat na players ay inilagay sa isolation at nasa pangangalaga ng kanilang mga team physicians.

 Huling naglaro ang Nets noong Marso 10 sa Los Angeles kung saan nila tinalo ang Lakers nina LeBron James at Anthony Davis.

Sinuspindi ng NBA ang season matapos magposi­tibo si Gobert sa COVID-19 virus.

Show comments