Ang Stage 8 winner na si Daniel Ven Cariño ng Go for Gold team.
Ernie Peñaredondo
Tapos na ang karera!
Nilda Moreno (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2020 - 12:00am

Overall team classification sa Navy na

BAGUIO City, Philippines — Nagtulungan na parang isang pamilya kaya naman sinisiw ng Standard Insu­rance-Navy at ni George Oconer ang killer Stage 8 ng LBC Ronda Pilipinas kahapon na nagsimula sa Palayan City at nagtapos sa Burnham Park, dito.

Sumabay si Oconer, 28, sa kanyang mga ka tropa kaya naman anim silang sama-samang tumawid sa meta kasama ang apat na katunggali na pinagwagian ni Daniel Ven Cariño ng Go for Gold team. 

Magkakapareho ng oras na naitala ang nasabing siklista unang tumawid sa finish line, pang 10 si Oconer kaya hawak pa rin nito ang overall individual classification papasok sa huling dalawang stages.

“Sa samahan namin para kaming magkakapatid kaya nagpapasalamat ako sa  tulong ng teammates ko,” saad ni Oconer, anak ng dating Olympian na si Norberto.

Malayo pa ang karera ay emosyunal na si Oco­ner at habang umaakyat sa matarik na daan sa Kennon Road ay nakakapit ito sa kanyang mga kakam­ping ayaw siyang iwanan.

“Matagal ko nang pa­ngarap na manalo rito sa Ronda sapul ng sumali ako noong 2011,  kaya kung sakaling makuha ko ito ay talagang malaki ang pasalamat ko sa Standard Insurance-Navy Team at sa mga kakampi ko,” ani Oconer.

May aggregate clocking na 27 oras, 34 minuto at 35 segundo si Oconer matapos ang walong stages sa event na inorganisa ng LBC at pakikipagtulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

Hindi nauga ang mga kakampi ni Oconer na nasa second hanggang sixth place ng overall individual, nakapuwesto pa rin sina 2018 king Ronald Oranza, Ronald Lomotos, John Mark Camingao, Junrey Navarra at El Joshua Cariño ayon sa pagkakahilera.

Nirehistro naman ni Stage winner, Cariño, kapatid ni El Joshua ang apat na oras, 30 minuto at apat na segundo sa 170.6km race sa karerang itinataguyod ng Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

Ang ibang siklistang kasama sa 10 unang tumawid sa meta ay sina 2nd. Marvin Tapic ng Bicycology Shop-Army, 3rd, Jonel Carcueva, 4th, Ismael Grospe Jr. ng mga riders mula sa Go for Gold at mga Navy cyclists na sina Navarra, (5th), Oranza, (6th), Lomotos, (7th), Camingao, (8th) at El Joshua, (9th).

Samantala, kahit may dalawang laps pa, kinahon na ng Standard Insurance-Navy ang Overall Team Classification, nakalikom sila ng 110:18,25 na oras, lamang sila ng 33 minuto at 25 segundo sa pumapangalawang Go for Gold team, pangatlo ang Bicycology Shop-Army habang pang-apat ang Scratch It.

Isusuot ni Oconer ang Red Jersey paglarga ng 176.4km Pugo, La Union-Vigan Stage Nine.

LBC RONDA PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with