Harden, Westbrook bumida

SALT LAKE CITY - Muling gumana ang ‘small ball game’ ng Houston Rockets matapos paluhurin ang Utah Jazz, 120-110, tampok ang pagbibida nina James Harden at Russell Westbrook.

Humataw si Harden ng 38 points at may 34 mar­kers si Westbrook para sa ikatlong sunod na ratsada ng Houston.

Nagsalpak si Harden ng 13-for-23 fieldgoal shoo­ting kasama ang anim na triples habang may 14-for-26 clip si Westbrook para pamunuan ang Houston.

Pinangunahan naman ni Donovan Mitchell ang Jazz mula sa kanyang 31 points kasunod ang 22 markers ni Fil-Am Jordan Clarkson.

Sa Milwaukee, pinataob ng Bucks ang Philadelphia 76ers, 119-98, sa pangunguna ni reigning league MVP Giannis Antetokounmpo.

Kumolekta si Antetokounmpo ng 31 points, 17 rebounds at 8 assists, sa matchup ng Eas­tern Conference rivals.

Sa pagbandera ni Antetokounmpo ay na­ipanalo ng Bucks ang 16 sa huli nilang 18 games para sa NBA-best record na 48-8.

Sa Atlanta, humakot si John Collins ng 35 points at 17 rebounds at iniskor ni Trae Young ang 13 sa kanyang 27 points sa fourth quarter para ihatid ang Hawks sa 111-107 paggupo sa Dallas Mavericks.

Show comments