Nag-courtesy call ang miyembro ng Equestrian Philippines, Inc. sa pangu­nguna ni EquestrianPH vice president Toni Leviste kasama ang kanilang mga su­misikat na riders kay Philippine Sports Commission Chairman William ‘Butch’ Ramirez para iprisinta ang kanilang achievements noong 2019
EquestrianPH iprinisinta ang accomplishments sa PSC
(Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinida ng Equestrian Philippines, Inc., ang na­ngungunang promoter at sponsor ng show jum­ping at dressage initiatives dito at sa labas ng bansa, ang kanilang mga naging tagumpay para sa 2019-2020 season.

Bumisita sina EquestrianPH president Carissa Coscolluela at vice-president Toni Leviste kay Phi­lippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez para isumite ang kanilang accomplishments.

Nakasama nina Coscolluela at Leviste sa pagtungo sa opisina ni Ramirez sina equestrian stars Minxie Romualdez, Alex-Ynares-Villalon, Nicole Camcam at Paola Lorenzo.

Ilan sa mga tagumpay ng EquestrianPH ay ang pag-angkin sa gold medal ng dalawang yugto ng Ri­ders Tour, isang borrowed horse competition na nilahukan ng Pilipinas at ilang tropa ng Malaysia.

Ang inaugural competition ay idinaos sa Maynila noong Setyembre ng 2019 at ang ikalawang edisyon ay ginawa sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Disyembre.

Ang national team ay binubuo nina Romualdez, Ynares-Villalon, Camcam, Lara Zobel at Mo­hame­del Akkad.

Kumuha naman ng silver medal ang grupo nina Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia sa federation Equestre Internationale Asian Championships sa Pattaya noong Disyembre.

Naglunsad din ang EquestrianPH ng mga championship series sa bansa tampok ang tatlong legs ng jumping competitions sa Manila Polo Club.

Sa pagsisimula ng 2020 ay idinaos ng EquestrianPH ang ikalawang championship series na binubuo ng tatlong legs ng jumping competitions bukod pa sa dressage competition sa pagtatapos ng taon.

CARISSA COSCOLLUELA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with