Pasig- Sta. Lucia Realtors pumuwesto na sa playoffs

MANILA, Philippines — Pumasok na rin ang Pasig-Sta. Lucia Realtors sa playoff round matapos patumbahin ang Navotas Uni-Pak Sardines, 107-100, sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna.

Nagpasiklab ang dating PBA standout na si Jeric Teng ng 30 puntos, walong rebounds, apat na assists at dalawang blocks upang umangat ang Realtors sa solo seventh spot sa 17-11 win-loss kartada at lumayo ng mahigit dalawang  pa­nalo sa 8th spot ng Pasay Voyagers na tangan ang 15-12 slate.

Bukod kay Teng, tumulong din ng 22 puntos si Josan Nimes na may kasamang dalawang rebounds, dalawang assists at isang steal para masiguro ang kanilang pagpasok sa susunod na round sa N­orthern Division.

Show comments