“Iyong limang championship, lahat ‘yun may import eh. Iba rin talaga kapag All-Filipino cham­pionship,” sabi ng 35-anyos na point guard. “Iyon ang pangarap namin, especially lahat ng mga PBA players, kasi ‘yun talaga ang pinaka-prestige eh.”
PBA Images
Philippine Cup title na lang ang kulang -- LA
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May lima nang PBA championship si LA Tenorio, ngunit may kulang pa sa kanyang koleksyon.

Ito ay ang korona ng PBA Philippine Cup na hangad makopo ng Barangay Ginebra sa pagbubukas ng torneo sa Marso 1.

“Iyong limang championship, lahat ‘yun may import eh. Iba rin talaga kapag All-Filipino cham­pionship,” sabi ng 35-anyos na point guard. “Iyon ang pangarap namin, especially lahat ng mga PBA players, kasi ‘yun talaga ang pinaka-prestige eh.”

Ang 2010 Fiesta Conference ang unang PBA title ni Tenorio habang naglalaro para sa Alaska kasunod ang mga korona ng Governors’ Cup noong 2016, 2017 at 2019 at ang 2019 Commissioner’s Cup para sa Ginebra.

Sa pagdating nina ve­teran guards Stanley Pringle at Jared Dillinger pati na ang pagganda ng laro ni 6-foot-8 flying forward Japeth Aguilar ay lumakas ang tsansa ng Gin Kings na makamit ang titulo ng 2020 PBA Philippine Cup.

Huling nagwagi ang Ginebra sa PBA Philippine Cup noong 2007 sa ilalim ni dating head coach Jong Uichico.

Nakatutok  ang SMB sa kanilang record na ikaanim na sunod na PBA Philippine Cup crown.

LA TENORIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with