Santiago bagong head coach ng UE?

MANILA, Philippines — Sa pag-asang mai-a­ngat ang kalidad ng laro ng Red Warriors, isang beteranong coach ang napaulat na hahawak sa programa ng University of the East para sa UAAP Season 83.

Ayon sa source, inaasahang papangalanan ng UE si Jack Santiago bilang bagong head coach ng Red Warriors.

Malalim ang karanasan ni Santiago na lubos na kailangan ng Red Warriors para mapaganda ang kampanya nito sa UAAP.

Magugunitang tumapos sa ikaanim na puwesto ang UE kasalo ang Adamson matapos parehong makalikom ng 4-10 rekord.

At sa pagpasok ni Santiago, umaasa ang pamunuan ng unibersidad na malaki ang maitutulong nito sa Red Warriors para mapalakas ang kanilang koponan sa UAAP Season 83.

Hindi na bago si Santiago sa UAAP.  Bahagi ito ng  Adamson coaching staff na pinamumunuan ni head coach Franz Pumaren.

Huling nasilayan ang UE sa semis noong Season 72 kung saan tinalo nito ang twice-to-beat holder FEU sa Final Four para makaharap ang Ateneo sa best-of-three finals.

Show comments