Tropang Texters sinilaban ang Bolts

Bumali si TNT Katropa import KJ McDaniels laban kay Allen Durham ng Meralco.
Kuha ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Mula sa dikitang first half ay nakahulagpos ang TNT Katropa para ang­ki­­­nin ang 1-0 bentahe ng ka­­­nilang semifinals series ng Meralco.

Kumamada ng 30 points ang Tropang Texters sa third quarter patungo sa 103-94 pagpapaluhod sa Bolts sa Game One ng ka­­­nilang best-of-five se­­mis showdown para sa 2019 PBA Governor’s Cup ka­ha­­­pon sa Smart Araneta Co­­liseum.

“One-zero pa lang, ma­­rami pang games sa se­ries,” sabi ni guard Jayson Castro, umiskor ng 17 points para sa TNT Katropa at may 38 markers si import KJ McDaniels.

Samantala, hindi na­i­ta­go ni coach Tim Cone ang kanyang pag­kadismaya sa 90-124 kabiguan ng Ba­rangay Ginebra laban sa NorthPort sa Game One ng ka­nilang semifinals duel.

“It was a very ugly per­for­mance, it’s embarras­sing, they wanted it more than we did and one of the worst first games I’ve been involved with,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion coach.

Muling magtutuos ang da­lawang koponan nga­yong alas-7 ng gabi sa Game Two sa Big Dome.

Samantala, inaprubahan ng PBA ang pagdadala ng Magnolia kay Aldrech Ramos sa Columbian ka­pa­lit ni Jackson Corpuz.

Show comments