Ancajas-Rodriguez fight kanselado

Jerwin Ancajas
File

MANILA, Philippines — Kanselado ang bakbakan nina reigning Interna­tional Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Jerwin Ancajas at Me­xican fighter Jonathan Ja­vier Rodriguez na nakatakda sana bukas (Ma­nila time) sa Carson, Ca­lifornia.

Base sa inilabas na statement ng Top Rank Pro­­motions na siyang hu­ma­hawak sa laban, nagka­roon ng problema sa visa si Rodriguez.

Hindi rin ito nakakuha ng medical clea­rance na isa sa mga requirements sa laban.

Maluwag namang ti­nanggap ni Ancajas ang mga kaganapan.

Naniniwala ito na may da­hilan kung bakit hindi na­tuloy ang laban.

“Probably God has better plans for us, that’s why the fight did not push through again,” ani Ancajas.

Hindi man direktang ami­nin ngunit dismayado ang Team Ancajas dahil ilang buwan ding naghanda ang Pinoy champion pa­ra sa laban.

Sa katunayan, pasok na pasok na ang timbang nito para sana sa idaraos na weigh-in ngayong araw.

Naglalaro ang bigat ni Ancajas sa 114.8 pounds da­hil na rin sa magandang pag-aalaga ni nutritionist Jea­neth Aro.

Subalit mawawalan ng saysay ang pinaghirapan ni Ancajas dahil sa kanselasyon ng laban.

Inihayag naman ni MP Promotions president Sean Gibbons na Disyembre 7 ang target nitong petsa para magbalik sa ring si Ancajas bagama’t wala pa itong tinukoy na boksingerong posibleng makalaban ng Pinoy champion.

Show comments