Ramirez bibisita sa PSA

William ‘Butch’ Ramirez

MANILA, Philippines — Bibisita si Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Amelie Hotel-Manila.

Tatalakayin ni Ramirez ang ginagawang preparas­yon ng bansa para sa hosting ng 30th Southeast Asian Games sa kanyang kapasidad bilang Chef De Mission ng Team Philippines.

Makakasama ni Ra­mirez sa pang alas-10 ng umagang sesyon na iniha­handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga miyembro at opis­yales ng PBA D-League Foundation Cup champion BRT Sumisip Basilan-St. Clare.

Show comments