Ramirez bibisita sa PSA
MANILA, Philippines — Bibisita si Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Amelie Hotel-Manila.
Tatalakayin ni Ramirez ang ginagawang preparasyon ng bansa para sa hosting ng 30th Southeast Asian Games sa kanyang kapasidad bilang Chef De Mission ng Team Philippines.
Makakasama ni Ramirez sa pang alas-10 ng umagang sesyon na inihahandog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga miyembro at opisyales ng PBA D-League Foundation Cup champion BRT Sumisip Basilan-St. Clare.
- Latest