Napilitang ipasa ni Alvin Capobres ng Stags ang bola nang magkarambola sila nina Edgar Charcos at Kim Aurin ng Altas. sa NCAA Season 95.
Jun Mendoza
San Sebastian sasagupa sa Letran
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagwagi ang San Sebastian kontra sa Perpetual Help, 99-94 kahapon upang tumapos bilang fourth see­ded team sa stepladder playoff round ng Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa The Arena ng San Juan City.

Umani si Allyn Bulanadi ng career-high 44 puntos, walong rebounds at apat na assists para masungkit ng Stags ang pang-11 panalo sa 18 laro at angkinin ang huling playoff spot sa stepladder format.

Maghaharap muna ang Stags (11-7) at third seed Letran (12-6) sa u­nang playoff match kung saan ang magwawagi ay lalaban sa second seed Lyceum Pirates (13-5) sa huling playoff match para pag-agawan ang karapatan na kumasa sa undefeated San Beda Red Lions (18-0) sa best-of-three Finals.

Ipinakita ng graduating na si Bulanadi ang mataas na porsyento sa shooting sa 14-of-26 sa field goal at 9-of-9 sa free throw line na ikinatuwa ni SSC-R head coach Egay Macaraya.

“For me, Allyn (Bulanadi) is ready for the big league. He’s proven it already many times,” sabi ni coach Macaraya.

Ayon kay Macaraya mayroon pa siyang 17 araw para paghandaan ang kanilang engkuwentro ng third seed Letran Knights sa unang playoff match sa Nobyembre 5 at ang mananalo ay lalaban sa second seed Lyceum sa Nobyembre 8. Ang best-of-three Finals ay magsisimula sa Nobyembre 12.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with