Saints vs Skippers sa Finals

MANILA, Philippines — Pinataob ng BRT Su-misip Basilan-St. Clare ang Centro Escolar University sa pamamagitan ng 73-59 demolisyon sa Game 3 upang umusad sa finals ng 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nanguna para sa BRT Sumisip Basilan-St. Clare si Joshua Fontanilla na kumana ng 15 markers habang nagdagdag si Chris Dumapig ng 11 puntos gayundin sina Junjie Hallare at Leo Gabo ng pinagsamang 17 puntos.

Tinapos ng Saints ang best-of-three semis series tangan ang 2-1 marka.

Nakauna ang Saints nang kunin nito ang 86-70 panalo sa Game 1 noong nakaraang linggo bago iselyo ng Scorpions ang 83-68 pananaig sa Game 2 noong Lunes.

Makakasagupa ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare ang Marinerong Pilipino na una nang umabante sa best-of-three championship series matapos patalsikin ang Technological Institute of the Philippines sa hiwalay na semis.

Show comments