^

PSN Palaro

Cruz iniligtas ang NLEX

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cruz iniligtas ang NLEX
Napilitang ipasa ni Kiefer Ravena ng NLEX ang bola nang madepensahan ni Justine Chua ng Phoenix sa aksyong ito sa PBA.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Sa halos kabuuan ng laro ay bihirang tumira si guard Jericho Cruz.

Ngunit nang makatanggap ng pasa mula kay Kiefer Ravena ay isinalpak ni Cruz ang mahalagang three-point shot sa h­uling 24.9 segundo para tulu­ngan ang NLEX na takasan ang Phoenix, 123-116 sa 2019 PBA Go­vernor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Cruz na may 9 points para sa u­nang panalo ng Road Warriors at unang kabiguan naman ng Fuel Masters.

Humakot si balik-import Olu Ashaolu ng 29 points, 11 rebounds at 6 assists para sa NLEX habang kumolekta si Ravena ng 20 markers, 9 rebounds, 7 assists at 3 steals.

Umiskor naman si import Eugene Phelps ng 38 points at may 24 at 15 mar­kers sina Matthew Wright at Justin Chua, ayon sa pagkakasunod, sa panig ng Phoenix ni Louie Alas.

Nagbalik sa PBA sina coach Yeng Guiao at Ra­vena matapos ang na­bigong kampanya ng Gilas Pilipinas sa nakaraang 2-19 FIBA World Cup na pinagharian ng Spain laban sa Argentina.

“We just have to step up on defense in the third the fourth quarter to counter Matthew and Eugene,” sabi ni Guiao.

Naging dikdikan ang laban ng Road Warriors at Fuel Masters bago naitarak ng una ang 11-point lead, 97-86 mula sa triple ni Philip Paniamogan sa pagsisimula ng fourth period.

Ang magkasunod na tres ni Mallari at split ni Phelps ang naglapit sa Phoenix sa 113-116 sa huling 1:24 minuto ng labanan hanggang isalpak ni Ravena ang isang free throw para ilayo ang NLEX sa 117-113 sa nalalabing 51.4 segundo.

Matapos ang turnover ng Fuel Masters ay ipinasok ni Cruz ang kanyang triple sa huling 24.9 segundo na sumelyo sa panalo ng Road Warriors.

Samantala, pupuntiryahin ng Columbian ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Rain or Shine nga­yong alas-4:30 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Barangay Ginebra at Alaska sa alas-6:45 ng gabi sa Big Dome.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with