^

PSN Palaro

Saints at Skippers nakalapit sa finals seat

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Saints at Skippers nakalapit sa finals seat
Naglaban sa ere sina Kurt Sunga ng CEU at Joshua Fontanilla ng BRT-St. Clare.
PBA Images

MANILA, Philippines — Napigilan ng BRT Sumi­sip Basilan-St. Clare ang Centro Escolar Universi­ty, 86-70, sa Game One ng ka­­­nilang semifinals series pa­ra makalapit sa inaasam na puwesto sa finals ng 2019 PBA D-League Foun­da­tion Cup ka­hapon sa Yna­res Sports Arena sa Pa­sig City.

Sa ikalawang laro, tinalo naman ng Marinerong Pi­li­pino Skippers ang Techno­lo­gical Ins­titute of the Philip­pines Engineers, 98-80, pa­ra kunin ang 1-0 bentahe sa kanilang serye.

Kumuha ng lakas ang Saints kay Malian slotman Mo­hammed Pare na tumi­pa ng 19 points at pitong re­bounds para buhatin ang kanilang tropa sa 1-0 ben­tahe sa best-of-three se­mifinal wars.

Nakalikom naman si Jo­shua Fontanilla ng 14 points, 6 assists at 5 rebounds, habang naglista sina Junjie Hallare at Jhaps Bautista ng pinagsamang 21 markers para sa Saints.

“Sa start pa lang mas ag­gressive kami. Ine-expect ko mas aggressive sila pe­­ro first quarter pa lang, na­­kita ko na controlled na na­min ‘yung game,” sabi ni Saints head coach Steven­son Tiu.

Nagpasabog ang BRT Sumisip-St. Clare ng 11-0 bomba para makalayo sa 51-37 sa kaagahan ng ikatlong kanto.

Subalit inilabas ng Scorpions ang kamandag nito pa­ra makadikit sa 50-55, may 4:28 pa sa naturang yugto.

Agad na sumaklolo sina Bautista ay Leo Gabo nang pumukol ang mga ito ng ma­tatalim na atake para mu­ling hatakin ang Saints sa 82-64 bentahe sa huling tatlong minuto ng laro.

Mula rito ay hindi na lu­­mingon pa ang Saints pa­ra makuha ang kanilang ikawalong sunod na pana­lo.

Nanguna para sa Scorpions si Senegalese center Malick Diouf na may double-double na 12 points at 15 rebounds bukod pa sa 6 steals, 4 assists at 3 blocks.

Nagdagdag naman si Jerome Santos ng 11 mar­kers para sa CEU.

Ang Game Two ay na­ka­takda sa Lunes.

vuukle comment

PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with