Tinaasan ng kamay ni Isaa Gaye ng NU si Kobe Paras ng UP sa aksyong ito sa UAAP Season 82.
Joey Mendoza
UP, Adu umeskapo
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naka-eskapo ang UP Fighting Maroons kontra sa NU Bulldogs, 80-79 habang pinayuko naman ng Adamson Soaring Falcons ang UST Growling Tigers, 78-71 kahapon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Muntik ng masayang ang pitong puntos bentahe ng Fighting Maroons, 78-71 sa huling 2:13 minuto nang humataw si Dave Ildefonso ng triple para kumapit ang NU sa one-point deficit mahigit 11.6 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.

Ngunit, sinayang ni David Murrel ng UP ang dalawang free throws sa return play para bigyan ng pagkakataon ang Bulldogs pero nagmintis si John Lloyd Clemente sa kanyang buz­zer-beating shot na nagbigay daan upang itakas ng Fighting Maroons ang unang back-to-back win at ikatlo sa overall para uma­ngat sa ikalawang puwesto sa 3-1 win-loss kartada sa likuran ng Ateneo (4-0).

Tumapos si Kobe Paras ng 25 puntos, anim na rebounds at dalawang assists sa kanyang ikalawang laro pa lamang sa UP.

“We need to learn how to close out games as a team and that’s a process. I think we are smart enough or wise enough to close out games now. The fact of that is I know we can,” pahayag ni UP coach Bo Perasol.

Sa iba pang laro, umarangkada sina Fil-Peruvian Valandre Chauca, Jerome Lastimosa at Jerrick Ahanmisi ng 16-0 run sa huling tatlong minuto para burahin ang 11-point deficit, 62-71 at lumayo pa ng pitong puntos para ihatid ang A­damson sa No. 3 kasosyo ang UST sa 2-2 baraha.

BASKETBALL UAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with