Howard balik-Lakers

EL SEGUNDO -- Pinalakas pa ng Los Angeles La­kers ang kanilang frontline matapos papirmahin si veteran center Dwight Howard.

Inaasahang makakatulong si Howard kina LeBron James at Anthony Davis para sa kampanya ng Lakers sa darating na season.

Magbabalik siya sa kampo ng Lakers matapos kumolekta ng 17.1 points at league-best 12.4 rebounds noong 2012-13, ang nag-iisa niyang season para sa Los Angeles.

Isang three-time Defensive Player of the Year noong 2009 hanggang 2011 at limang beses pinamunuan ang NBA sa rebounds five times (2007-10, ’11-13), dalawang beses sa blocks (2008-10) at isang beses sa field goal percentage.

Maglalaro siya bilang No.1 sa hanay ng mga active players sa career rebounds (13,184) at blocks (2,051).

Maglalaro sa kanyang ika-16 NBA season, nagtala si Howard ng mga career averages na 17.4 points, 12.6 rebounds at 2.0 blocks sa kanyang 1,044 games (1,043 starts) para sa Orlando, Houston, Atlanta, Charlotte, Wa­shington at Lakers.

Show comments