^

PSN Palaro

F2 Logistics, Cignal unahan sa 1-0 lead sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mag-uunahang makalapit sa kampeonato ang Cig­nal at F2 Logistics sa pag-arangkada ng Game One ng Philippine Superliga All-Filipino Conference best-of-three championship series sa Smart Araneta Coliseum.

Magpapang-abot ang HD Spikers at Cargo Mo­vers ngayong alas-6 ng ga­bi matapos ang battle-for-third match ng Petron at Foton sa alas-4 ng hapon.

Mataas ang morale ng Cignal nang hubaran nito ng korona ang Petron, 25-20, 10-25, 16-25, 27-25, 15-11 at 30-28, 25-21, 17-25, 23-25, 15-8, sa kanilang ‘do-or-die’ semifinals.

At nais ng HD Spi­kers na maipagpatuloy ang ka­nilang matikas na rat­sada sa finals upang mu­ling ma­katikim ng kampeo­nato.

Huling nagreyna ang Cig­nal noong 2017 sa Invi­tational Conference.

“This is it. We have com­pleted our climb from fifth place to the champion­ship. We’re excited because we already addressed our lapses. Hopefully, our magical run continues,” ani Cignal coach Edgar Barroga.

Nasandalan ng HD Spi­kers sina veterans Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gon­zaga sa kanilang hu­ling dalawang laro katuwang si Filipino-American play­maker Alohi Robins-Hardy.

Hindi rin matatawaran ang naiambag nina Mylene Paat, Jannine Navarro, Ranya Musa at Roselyn Do­ria gayundin ni libero Jheck Dionela.

Ngunit makakaharap ng Cignal ang F2 Logistics na mayroon ding sariling misyon – ang mabawi ang ko­rona na huli nilang naha­wa­kan noong 2016.

Sariwa ang Cargo Mo­vers dahil ilang araw din itong nakapagpahinga.

Nasungkit ng F2 Logistics ang finals slot matapos igupo ang Foton sa semis noong Martes.

Ipaparada ng Cargo Mo­vers si dating Arizona Uni­versity star Kalei Mau na top scorer ng koponan.

Makakasama niya sa opensa sina Aby Maraño, Kianna Dy, Majoy Baron, 2016 All-Filipino Confe­rence MVP Ara Galang, play­maker Kim Fajardo at li­bero Dawn Macandili.

“It’s been a while since we last lifted a PSL crown so my players are really ea­ger to win this one,” ani F2 Logistics coach Ramil de Jesus.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with