TIP kinuha ang ‘twice-to-beat’ sa quarterfinals

MANILA, Philippines — Iginupo ng Technological Institute of the Philippines ang Alberei, 105-95, para makatiyak ng Top 2 fi­nish sa Group B ng 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magarbo ang pagbaba­lik ni Papa Ndiaye matapos humataw ng 37 points, 18 re­bounds at 4 assists sa kan­yang unang pag­salang ma­tapos ang ilang linggong pahinga bunsod ng hamstring injury.

Dahil sa panalo ay tuma­as ang TIP sa 5-1 re­­kord para matiyak ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Nagtala si Bryan Santos ng 28 points, 11 boards, 2 assists at 2 steals at nag-ambag si Xi­mone San­da­gon ng 12 mar­kers.

Sa kabila ng panalo ay hindi pa rin natuwa si TIP head coach Potit de Vera.

Ito ay matapos mag-re­lax ang kanyang bataan sa fourth quarter dahilan upang mabangasan ang iti­­nayong 18-point lead, 92-74, sa 101-95 sa huling 37 segundo ng laro.

“I’m not happy with today’s ball game. I don’t want to go to the playoffs with the thinking that our players are good enough. We always have to go all out and I just want to keep on doing that,” ani de Vera.

Show comments