Orcollo kinapos kay Teutscher

MANILA, Philippines — Napasakamay ni dating world champion Dennis Orcollo ang runner-up trophy sa prestihiyosong 2019 US Open 10-Ball Championships na ginanap sa Rio All-Suit Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Matikas ang simula ni Orcollo nang sunud-sunod itong magtala ng panalo para makapasok sa finals.

Ngunit hindi nasustenihan ni Orcollo ang winning form nito makaraang lasapin ang 9-11 kabiguan kay Marco Teutscher ng Netherlands sa championship round ng torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association.

Umabante si Orcollo sa finals nang talunin nito si Teutscher sa semifinals ng winners’ bracket sa bendis­yon ng 9-6 panalo sa event na nagpatupad ng double-elimination format.

Nalaglag sa one-loss column si Teutscher kung saan tinalo nito sa semifinals ng losers’ bracket si Filipino cue master Jeffrey de Luna (6-9) upang harangin ang tangkang all-Filipino finale.

Sa pagbabalik ni Teutscher sa finals, mas suwabeng tirada ang inilatag nito sa huling sandali ng laban para dungisan ang malinis na rekord ni Orcollo at matamis na angkinin ang kampeonato – ang kanyang unang major win sa kanyang karera.

Show comments