Petron pipingasan ang F2 Logistics

Ang tanging kabiguan ng Petron ay mula sa mga kamay ng F2 Logistics.
facebook

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng F2 Logistics ang kanilang ika-12 sunod na panalo habang pipilitin naman itong hadlangan ng Petron sa bakbakan ng top two teams sa second round ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Magduduwelo ang Car­go Movers at Blaze Spi­kers ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang pagtutuos ng Generika-Ayala Lifesavers at PLDT Power Hitters sa alas-7 ng gabi.

Sapul nang mahugot si Fil-American Kalei Mau ay hinataw ng F2 Logistics ang 11 sunod na ratsada para upuan ang No. 1 spot sa team standings kasunod ang Petron, may 10-1 card.

Ang tanging kabiguan ng Petron ay mula sa mga kamay ng F2 Logistics.

Muling ipaparada ng Petron sina Mika Reyes, Frances Molina, Denden Lazaro, Sisi Rondina at Rhea Dimaculangan katapat sina Mau, Ara Galang, Majoy Baron, Aby Maraño at Dawn Macandili ng F2 Logistics.

Show comments