Sa report ng Nevada State Athletic Commission, umabot sa kabuuang $6,260,275 ang nakolekta mula sa 11,436 tickets na nabenta sa laban.
Pacquiao-Thurman fight kumita ng $6M
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumataginting na mahigit $6 milyon ang kinita ng bakbakan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at American fighter Keith Thurman mula sa tickets sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sa report ng Nevada State Athletic Commission, umabot sa kabuuang $6,260,275 ang nakolekta mula sa 11,436 tickets na nabenta sa laban.

Bukod pa rito ang 1,675 complimentary t­ickets na ibinigay nina Pacquiao at Thurman sa kanilang mga pamilya at kaibigan na nanood ng live sa venue.

Isang patunay ito na malaki pa rin ang hatak ng reigning World Boxing Association (WBA) super welterweight champion sa mga boxing fans hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bahagi ng mundo.

Kasama si Pacquiao sa Top 10 live gates na nakalista sa Nevada State Athletic Commission.

Hawak ni Pacquiao ang boxing record na $72,198,500 nang makalaban nito si undefeated American pug Floyd Mayweather noong 2015 kung saan natalo ang Pinoy champion via unanimous decision.

Pasok din sa Top 10 ang knockout win ni Pacquiao kay Oscar De La Hoya noong 2008 na umani ng $14,380,300 sa ticket sales.

Parehong ginanap sa MGM Grand Garden Arena ang dalawang laban.   

KEITH THURMAN MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with