2 golds sinipa ng jr. poomsae team

MANILA, Philippines — Sumipa ang national ju­nior poomsae team ng da­lawang ginto, isang pilak at anim na tansong me­­dalya sa 5th Asian Junior and 3rd Asian Cadet Poomsae Championships sa Princess Hamza Hall sa Amman, Jordan.

Ang unang gold medal ay mula kay Ian Mat­thew Corton sa Individual Cadet Male Category.

Humirit din ng gin­tong medalya si­na Maria Nicole Anne La­bayne at Paul An­thony Rod­­riguez sa Pair Ca­det Ca­tegory.

Pinitas ni Kobe Macario ang nag-iisang pilak sa Individual Junior Male Freestyle sa torneong sinalihan ng 20 bansa sa Asya.

Kumuha ng tig-isang tan­so sina King Nash Al­cario (Individual Ju­­nior Male Category) at Ja­­mie Han­nah Agaloos (In­­dividual Cadet Female Ca­tegory).

Si­na Agaloos, Labay­ne at Aesha Oglayon ang ku­muha ng tanso sa Team Ca­­­det Female Category at si­na Corton, Rod­riguez at Joa­quin Miguel Cerillo sa Team Cadet Male Cate­go­ry.

Galing ang iba pang tan­so kina Cindy Lou Dias­nes, Alyssa Lou Llenes at Laeia Simoune Soria (Team Juniors Female) at ki­na Kobe Ma­­cario, James Oranza, Jo­­hann Abelard Concepcion, Diasnes at Lle­nes (Ju­niors Team Freestyle).

Show comments