Mojdeh, Paredes at Mirandilla asam ang gold medal
Beth Repizo-Meraña (Pilipino Star Ngayon) - July 19, 2019 - 12:00am

SEMARANG, Indonesia -- Sasalang ngayong araw ang tatlong Swimming Pinas tankers na tangkang masungkit ang unang gintong medalya sa pag­sisimula ng 11th Asean School Games swimming competition dito.

Unang sasabak si Phi­lippine national junior record hol­der Micaela Jasmine Mojdeh ng Brent Internatio­nal School na masisilayan sa girls’ 50m butterfly, ha­bang bahagi rin siya ng girls’ 4x100m freestyle re­lay.

Sasabak naman sa ak­syon sina John Neil Pa­redes at Jules Mervien Mi­randilla sa boys’ 50m butterfly sa unang araw ng kompetisyon.

Idaraos ang prelimina­ry round sa umaga kung saan ang Top 8 swimmers sa bawat event ang uusad sa finals na gaganapin naman sa hapon.

Optimistiko si Swimming Pinas team manager Joan Mojdeh sa magi­ging kampanya ng mga Pinoy tan­kers.

“Mas matatanda at mas matatangkad ang mga ma­kakalaban ng swimmers natin kaya it’s going to be tough to win a medal here. But we are optimistic. Our swim­mers trained hard for this and we are hoping for the best,” wika ni Mojdeh.

Lalaruin sa Day 2 ang 800m freestyle, 200m In­dividual Medley, 200m but­terfly, 100m freestyle, 50m backstroke at 4x100m medley relay.

Sa Day 3 ay aarangka­da ang 400m Individual Medley, 100m butterfly, 200m freestyle, 50m breaststroke at 4x100m med­ley relay, habang sa hu­ling araw ng laban masi­silayan ang 1,500m freestyle, 200m backstroke, 100m breaststroke, 50m freestyle at 4x200m freestyle re­lay.

ASEAN SCHOOL GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with