Alaska, Meralco paglalabanan ang No. 8 seat para makatapat ang TNT

MANILA, Philippines — Isa lang sa Alaska at Me­ralco ang uupo sa No. 8 seat sa eight-team quarterfinal round.

Pag-aagawan ng Aces at Bolts ang nasabing tiket sa kanilang playoff game nga­yong alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena sa Pa­say City.

Nagtapos na magkaka­tulad na 4-7 baraha ang Alaska, Meralco at Phoenix, ngunit dahil sa quotient ay nasibak ang Fuel Masters at nakasama sa ba­kasyon ang Columbian Dyip (3-8) at NLEX Road Warriors (3-8).

Naitakda ng Bolts ang pag­hahamon sa Aces ma­tapos hatakin ang 95-91 panalo laban sa San Mi­guel Beermen noong Miyer­kules para tapusin ang ka­nilang five-game losing slump.

“We really need it just to stay alive,” sabi ni Meralco coach Norman Black.

Nagwakas din ang tatlong sunod na ratsada ng five-time PBA Philippine Cup champions.

Ang mananalo sa pagitan ng Aces at Bolts ang sa­sagupa sa No. 1 TNT Ka­tropang Texters, may ha­wak ng ‘twice-to-beat’ advantage kagaya ng No. 2 NorthPort Batang Pier la­ban sa No. 7 Beermen.

Maglalaban naman sa best-of-three series ang No. 3 Blackwater at No. 6 Rain or Shine at ang No. 4 Barangay Ginebra kontra sa No. 5 Magnolia.

Show comments