Stags, Knights dumiretso sa ikalawang panalo

Laro Bukas(EAC Gym, Manila)

2 p.m.-  SBU vs. EAC (Jrs)

4 p.m.-  SBU vs. EAC (Srs)

MANILA, Philippines — Humataw ang San Sebastian Stags ng 30 points sa ikalawang yugto para tambakan ang Mapua Cardinals, 92-68, at makisosyo sa liderato sa Season 95 NCAA men’s basketball tour­nament kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagpasiklab si Regille Kent Ilagan sa kanyang 20 points, 4 rebounds at 8 assists para sa ikalawang su­nod na panalo ng Stags at makisama sa three-peat champion San Beda Red Lions sa top spot sa parehong 2-0 kartada.

Hindi napigilan ng Car­di­nals ang magandang opensa at depensa ng Stags ni coach Egay Maca­raya kung saan anim na manlalaro ay nag-ambag ng double-digits.

Ipinoste ng Stags ang 29-point lead, 82-53, sa huling 4:43 minuto sa fourth period mula sa 46-23 abante sa Cardinals sa first half.

Nasungkit naman ng Letran Knights ang ikala­wang sunod na panalo ma­tapos padapain ang Jo­se Rizal Heavy Bom­bers, 55-43.

Show comments