Westbrook sa Rockets na

LAS VEGAS —Isang reunion ang nabuo para kina Russell Westbrook at James Harden.

Ito ay matapos dalhin ng Oklahoma City Thunder si Westbrook sa Houston Rockets kapalit ni Chris Paul sa nasabing palitan ng dalawang top point guards sa liga.

Bilang bahagi ng trade ay makukuha rin ng Thunder mula sa Rockets ang first-round picks sa 2024 at 2026 at ang karapatang ipagpalit ang first-rounders sa dalawa pang seasons.

Inaasahang pormal na ihahayag ng dalawang koponan ang nasabing trade.

Si Paul ay isang nine-time All-Star at nagtala ng 9,181 career assists na siyang pinakamarami sa hanay ng mga active pla­yers habang si Westbrook ay isang eight-time All-Star selection.

Nagposte si Westbrook ng 138 triple-doubles para makatabla si Magic Johnson para sa second-most sa NBA history sa likod ni Oscar Robertson (181).

Sina Harden (11,958 points) at Westbrook (10,025 points) ang dalawang highest scorers sa huling limang seasons.

Tatlong season silang nagsama sa Thunder at ang huli ay noong 2011-12 kung saan nila nakatulong si Kevin Durant sa paggiya sa Oklahoma City sa NBA Finals.

Show comments