Haharapin ng Batang Pier ang Phoenix Fuel Masters ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang bakbakan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots sa alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Joey Mendoza
Batang Pier pakay ang quarterfinals berth
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2019 - 12:00am

Lara Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Phoenix vs NorthPort

7 p.m. SMB vs Magnolia

MANILA, Philippines — Babasagin ng NorthPort ang kanilang pagkakatabla ng TNT Katropa para sa solong liderato at ang pagkopo sa quarterfinals ticket habang magtutuos naman ang dalawang nag­laban sa nakaraang 2019 PBA Philippine Cup Finals.

Haharapin ng Batang Pier ang Phoenix Fuel Masters ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang bakbakan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots sa alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalukuyang magka­sosyo sa liderato ang NorthPort at TNT Katropa sa magkatulad nilang 7-1 record kasunod ang Magnolia (3-2), Blackwater (4-3), nagdedepensang Barangay Ginebra (4-3), Alaska (4-4), Rain or Shine (3-3), Meralco (3-4), San Miguel (2-3), Phoenix (2-4), Columbian (1-6) at NLEX (1-7).

Nagmula ang Batang Pier sa 127-99 panalo laban sa Elite, hindi nagamit si Jameel McKay na kapalit ni Alex Stepheson, kung saan nila itinampok ang mga bagong players na sina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer.

“Sinabi ko naman sa inyo, makakatulong 'yung tatlo,” wika ni NorthPort coach Pido Jarencio kina Mercado, Cruz at Ferrer na nagmula sa Ginebra kapalit ni Stanley Pringle.

Target ng Batang Pier ang kanilang pang-limang sunod na ratsada sa pagsagupa sa Fuel Masters, nakalasap ng 96-99 kabiguan sa Hotshots.

2019 PBA PHILIPPINE CUP FINALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with